martyr
June 12th, 2007 by mhaje-18masaya ka nga, masaya ba sya?
sa tingin mo ba’y napapansin ka nya?
hindi mo lang ba maamin sa ‘yong sarili?
o sadyang tanggap mo lang na ika’y sawi…
ilang gabi mo s’yang iniisip,
ni hindi mo na nga magawang maidlip;
sa tingin mo ba’y tulad mo sya’ng nag-iisip,
o kanina pang nahihimbing at nananaginip…
handa mong gawin ang lahat para sa kanya,
pero ang totoo’y sarili’y nahihirapan na;
kelan ka ba matututo’t magtatanda,
hahayaan na lang bang malugmok sa pagkadapa?
siguro nga, kahit ilang beses ka niyang saktan,
maghihintay ka pa rin at aasang mapagbigyan;
mas hahayaan mong ika’y mabalewala,
kaysa tuluyan s’yang sa iyo’y mawala…
isang umaga magigising ka rin sa katotohanan,
at baka isang araw, lilipas din ang naramdaman…